Kombulsyon
Ika-dalawampu’t walo ng Mayo. Tanghaling tapat. Nilalagnat ang siyudad. Walang gamot na umeepekto, at wala ring pambili ng mas mamahalin pang gamot. Ilang mga kamay ang naglalagay ng malamig na tuwalya sa noo. Pansumaglit na bababa ang lagnat, ngunit magbabalik ding muli. Sumubok ang ibang balutin ng kumot ang buong katawan upang magpawis at gumaling. Pawis? Oo. Pagbaba ng lagnat? Hindi.
Wala na nga yatang pag-asa pang gumaling sa pagkakalagnat ang siyudad. Tumitirik na ang kanyang mga mata. Kinokombulsyon, nagngangalit ang mga ngipin. Napaka-init ng kanyang balat. Nakakapaso.
Apatnapu’t dalawang antas ng sentigrado sa labas. Disyerto. Pakibuhusan naman ng yelo ang Dubai. Para nyo nang awa.
<< Home