graffiti... rantings... stories... my own carnival life written with iridescent lights...

Monday, April 25, 2005

Kahimanawari

Kung sakaling sa sandaling ito
ikaw ay maging bato
at ipukol sa akin
wala akong magagawa
magdugo man ang mukha
kita'y tatanggapin.

Kahimanawari
ay naging bahagi mo ako
hindi man sagad sa laman at buto
kahimanawari
patawarin mo ako
kapirasong paraiso
ang nais ko.

Kung sakaling sa sandaling ito
ako ay maging abo
at tangayin ng hangin
ano ang 'yong magagawa
luluha ka kaya
o ngingiti sa akin?

Kung sakaling sa sandaling ito...